Van vs trak: Mag-utol utas

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines   â€“ Kamatayan ang sumalubong sa mag-utol na lalaki habang tatlong iba pa ang malubhang nasugatan makaraang salpukin ng trak ang kasalubong na van sa kahabaan ng highway sa Barangay Quinavite, bayan ng Bauang, La Union kamakalawa. Kinilala ng magkapatid na sina John Usalbo, driver ng van; at Aristotle Usalbo, kapwa nakatira sa bayan ng Bantay, Ilocos Sur. Nabatid na nag-overtake ang trak ni Jitro Vina ng San Miguel, Bulacan sa sinusundang sasakyan kung saan nakasalubong naman nito ang van ng mag-utol. Naisugod sa Ilocos Trai­ning and Regional Medical Center sa San Fernando City ang magkapatid subalit namatay din habang kritikal naman ang tatlong iba pa.

 

Show comments