Drug pusher itinumba

BULACAN, Philippines - - Pinaniniwalaang onsehan sa bentahan ng bawal na droga ang isa sa motibo kaya niratrat at napatay ang 40-anyos na mister  ng riding-in-tandem gunmen sa bahagi ng Barangay Concepcion, bayan ng Baliwag, Bulacan kahapon. Aabot sa 15-bala ng cal. 45 pistol ang tumapos sa buhay ni Julio Romano ng P. Angeles Street sa nabanggit na barangay. Sa imbestigasyon nina SPO1 Marjorie Taruc at PO2 George Jay Cruz, naglalakad ang biktima sa kahabaan ng A. Luna Street nang harangin at pagbabarilin ng motorcycle-riding assassins. Narekober sa crime scene ang ilang basyo ng bala at karatulang may katagang “Pusher ako,Wag nyo po akong tularan.”

Show comments