^

Sekyu patay sa holdaper

Rhoderick ­Beñez (Pilipino Star Ngayon) - January 11, 2014 - 12:00am

NORTH COTABATO, Philippines - - Patay ang security guard ng gasolinahan makaraang barilin ng apat na kalalakihang holdaper sa Barangay Sudapin, Kidapawan City, North Cotabato kamakalawa ng gabi. Kinilala ni P/Supt. Leo Ajero, Kidapawan City PNP director ang napaslang na si Wahab Kanacan ng Barangay Kidama, bayan ng Matalam, North Cotabato. Sa inisyal na ulat, lulan ng dalawang motorsiklo ang apat na holdaper nang lapitan at pagbabarilin ang biktimang nagbabantay sa gasolinahan. Matapos barilin ang sekyu ay mabilis na tinungo ang cashiers booth saka nilimas ang P3k at tinangay rin ng mga holdaper ang shotgun ng biktima. Ito ang pangatlong insidente ng holdap sa Kidapawan City ngayong linggo.

BARANGAY KIDAMA BARANGAY SUDAPIN KIDAPAWAN CITY KINILALA LEO AJERO MATALAM MATAPOS NORTH COTABATO WAHAB KANACAN
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with