Maglola utas sa motorsiklo

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines   - Nabahiran ng trahedya ang araw ng Pasko sa mga kaanak ng 62-anyos na lola at apong babae nito na  matapos salpukin ng motorsiklo sa kahabaan ng highway sa Barangay Napaccu Pequena, bayan ng Reina Mercedes, Isabela kamaka­lawa. Kinilala ni P/Chief Insp. Freddie Natividad, hepe ng Reina Mercedes PNP ang mga biktima na sina Maria Lata at Rhea Lata, 4-month old, kapwa nakatira sa Barangay San Luis, Cauayan City. Nabatid na mamamasko sana ang maglola sa isang kaanak kung saan papatawid na ang mga ito nang makasalubong si kamatayan.Bumagok sa kalsada ang ulo ng matanda habang tumilapon naman ang karga nitong sanggol nang tumbukin ng motorsiklo ni Mulawin Maranan na patungo sana sa bayan ng Tumauini, Isabela. Kapwa patay ang maglola nang mairating sa pagamutan habang agad naaresto ng pulisya si Maranan.

Show comments