Magkaibigan niratrat habang naglalakad

CAVITE, Philippines - - Kapwa nasawi ang magkaibigang lalaki matapos na pagbabarilin ng hindi kilalang salarin habang naglalakad sa Brgy. H2 Dasmariñas kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina   Jessie Salazar, 35, binata, laborer, residente ng Block 13, Lot 13 ng nasabing lugar at isang nakilala lamang sa alyas na “Kambal”. 

Hindi naman nakilala ang suspek na matapos isagawa ang pamamaril ay mabilis na tumakas tangay ang ginamit na baril.

Batay sa imbestigasyon nina PO3 Reynald Afable at PO3 Elmo Caboboy, dakong alas-8:45 ng gabi habang magkasamang naglalakad ang mga biktima nang bigla na lamang sumulpot ang isang armadong lalaki at sunod sunod silang pinagbabaril.

Kapwa duguang bumulagta ang mga ito, habang mabilis na tumakas ang salarin.

Patay agad ang dalawang biktima sa dami ng mga balang tumama sa mga ito.   Narekober sa lugar ng pinangyarihan ang pitong (7) basyo at isang (1) slug ng caliber .40.

Show comments