Security officer nilikida

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - - Pinabulagta ng riding-in-tandem assassins ang security officer ng Bio-Ethanol Plant ng Green Futures Innovation Inc. habang pauwi sa Barangay Zone 3, bayan ng San Mariano, Isabela noong Martes ng hapon. Kinilala ni P/Chief Insp. Bonifacio Gannaban, hepe ng San Mariano PNP ang biktima na si Frederick Canaria. Pinaniniwalaang personal na alitan sa trabaho ang isa sa motibo ng pamamaslang sa biktima. Sa tala ng pulisya simula pa noong pagpasok ng Disyembre 2013, nakaligtas sa tangkang pananambang laban sa bagong halal na si Chairman  Rafael Martinez ng Barangay Ibujan habang papauwi ito sakay ng motorsiklo.

Show comments