Jeep vs scooter: 2 patay

CAMARINES NORTE, Philippines - Hindi na umabot ng Pasko ang dalawang sakay ng scooter makaraang sumalpok ito sa kasalubong na highlander jeep pagsapit sa kurbadang daan sa Barangay Borabod, bayan ng Daet, Camarines Norte kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ni P/Supt. Paul Abay,  idineklarang patay sa Camarines Norte Provincial Hospital sina Kenji Español, 23, ng B-4 Lot 14 Holiday Homes Subd. sa Brgy La­g-on; at Jeric G. Del Castillo, 21, ng Brgy Awitan.

 Kapwa nagtamo na ma­tinding pinsala sa katawan ang dalawa makaraang sumalpok sa unahang Toyota Higlander Jeep (TNP285) na minamaneho ni Carlito Torero, 50, kontraktor at nakatira sa Purok 3, Brgy Bagasbas.

Sa imbestigasyon, magkasamang sakay ng scooter ang dalawa mula sa Barangay Bagasbas patungong Poblacion nang sumalpok sa nasabing jeep na pinaniniwalaang hindi napansin ang kasalubong na sasakyan. Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to double homicide ang driver na si Torero.

Show comments