2-katao bulagta sa pamamaril

CAVITE , Philippines   â€“ Dalawa-katao ang inulat na napatay habang kritikal naman ang isa pa sa naganap na magkahiwalay na pamamaril sa mga Lungsod ng Dasmariñas at Imus sa Cavite kamakalawa.Kinilala ang mga napatay na sina Winnie Sunege, 30, ng Barangay Toclong, Imus City; at Leonito Arciaga, 51, driver, ng Barangay Molino 2, Bacoor City. Habang kritikal naman ang mister ni Winnie na si Arnel Sunege. Base sa police report, naghuhuntahan ang mag-asawang Sunege nang lapitan at ratratin ng suspek na si Juancho Lacson. Samantala, ayon kay PO3 Elmo Caboboy, si Arciaga naman ay binoga sa ulo ng kanyang pasaherong lalaki habang nagmamaneho ng jeepney (NXT 906) sa kahabaan ng Paliparan-Molino Road sa Barangay Salawag, Dasmariñas City.

Show comments