_ngayon
^

Probinsiya

Mag-biyenan, kritikal sa saksak

Ed Casulla - Pilipino Star Ngayon

CAMP SIMEON OLA , Legazpi City, Philippines — Nasa kritikal ang kalagayan ngayon ang isang 64-anyos na ama at manugang nitong babae matapos na pagsasaksakin ng mister ng huli na lango sa alak sa Brgy. Sorosimbahan, Esperanza, Masbate kamakalawa ng hatinggabi.

Patuloy na nilalapatan ng lunas sa Cataingan District Hospital ang biktima na sina Manuel Catana, ama ng suspek at Cecil Catana, 26, may asawa, misis ng suspek at pawang mga residente ng naturang lugar. Kasalukuyan namang pinag­hahanap ang suspek na si Melvin Catana, 25, na agad na tumakas.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-12 ng hatinggabi ng lasing na umuwi ang suspek na bigla na lamang pinagsasaksak ang sariling ama at misis habang mahim­bing ng natutulog sa ka­nilang tahanan.Nabatid na nag-ugat ang insidente sa paninita ng matanda sa paglalasing ng anak.

 

BATAY BRGY CATAINGAN DISTRICT HOSPITAL CECIL CATANA ESPERANZA KASALUKUYAN MANUEL CATANA MASBATE MELVIN CATANA
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with