Bangkay nabingwit ng mangingisda

CAVITE, Philippines - – Bangkay ng di-kilalang lalaki na nakasako ang nabingwit ng isang mangingisda  sa karagatan ng Barangay Capipisa sa bayan ng Tanza, Cavite kahapon. Nangingisda si Gilbert Pradilla sa karagatan nang mapansin ang sako na pa­lutang-lutang kaya inihagis nito ang kaniyang lambat. Kaagad na hinila ni Pradilla ang lambat kung saan tumambad sa kaniya bangkay ng isang lalaki. Nasa 35 hanggang 40-anyos ang biktima at 5’3” hanggang 5’5” ang taas, may tattoo sa kanang braso na pangalang Lala, nakasuot ng itim na t-shirt at asul na pantalon. Pinaniniwalaang ng pulisya na sinalvage ang biktima sa ibang bayan saka ipinaanod sa dagat.

Show comments