Magsasaka, obrero nilikida

CAVITE , Philippines   â€“ Dalawa-katao ang napatay sa naganap na magkahiwalay na karahasan sa dalawang bayan sa lalawigan ng Cavite kamakalawa. Si Francisco Fortades, 43, magsasaka, ng Purok 3 ay binaril at namatay ang di-kilalang lalaki sa Barangay Pangil, bayan ng Amadeo kung saan sugatan naman si Sharon Hino-on na tinamaan ng ligaw na bala. Samantala,  Si Jasper Jan Recto, 27, contruction worker, ng Sitio Pag-asa ay tinadtad ng saksak ng kainumang si Romnick Gulondrina sa Barangay Aguado, Trece Martirez kamakalawa ng gabi. Nabatid na nagkapikunan ang dalawang senglot matapos magbiruan habang nag-iinuman.

 

Show comments