Magkaibigan dedo sa road mishap

BULACAN, Philippines - – Magkasabay na sinalubong ni kamatayan ang magkaibigang babae matapos sumalpok ang kanilang motorsiklo sa sementadong plant box sa gilid ng kalsada sa Barangay Makinabang, bayan ng Baliwag, Bulacan kahapon ng madaling araw. Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Carmina De Guzman, 22, ng Barangay Taal sa bayan ng Pulilan; at isang alyas Zaira ng Barangay Ligas sa Malolos City, Bulacan. Ayon kay PO3 Maurice Cruz, nawalan ng kontrol sa manibela si De Guzman pagsapit sa bisinidad ng J.P. Rizal Street sa nabanggit na barangay kaya sumalpok sa kongkretong plant box.

Show comments