50 tindahan, naabo

PIKIT, North Cotabato, Philippines – Natupok ng apoy ang 50 tindahan sa nangyaring sunog sa pamilihang bayan ng Pikit, North Cotabato kamakalawa ng gabi. Ayon kay Senior Fire Officer 4 Rodin Sapal, dakong alas-8 ng gabi ng mabilis  na kumalat ang apoy dahil karamihan sa mga tindahan ay gawa sa light materials. Sa inisyal na ulat, nagsimula ang sunog sa isang bakery kung saan nadamay ang mga katabi nitong tindahan sa lugar. Naapula naman ang apoy matapos na magresponde ang mga bumbero. Tinataya namang umaabot sa P5-M ang nilikhang pinsala sa naganap na sunog.

Show comments