Bike sumemplang, magkaibigan utas
Cristina Timbang (Pilipino Star Ngayon) - November 7, 2013 - 12:00am

CAVITE, Philippines - -  Kamatayan ang sumalubong sa magkaba­ging lalaki matapos sumemplang ang kanilang motorsiklo sa kahabaan ng Daanghari Road sa Barangay Pasong Buaya 1, Imus City, Cavite kahapon ng madaling-araw. Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Frank Jhay-Ar Tamola, 24, seaman; at Karlo Luigi Olbes, 27, kapwa binata at nakatira sa Barangay Anabu 2 F sa nasabing lungsod. Ayon kay P02 Larry Dalumpines, magkaangkas ang dalawa sa motorsiklo nang mawalan ng kontrol sa manibela si Tamola dahil sa bilis magpatakbo kung saan sumemplang pagsapit sa kurbadang kalsada. Naisugod pa sa ospital ang dalawa subalit hindi na umabot ng buhay.

AYON BARANGAY ANABU BARANGAY PASONG BUAYA CAVITE DAANGHARI ROAD FRANK JHAY-AR TAMOLA IMUS CITY KAMATAYAN KARLO LUIGI OLBES LARRY DALUMPINES
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with