Sultan Kudarat nilindol

SULTAN KUDARAT , Philippines   â€” Niyanig ng 6.0 magnitude na lindol ang lalawigan ng Sultan Kudarat kamakalawa ng gabi. Sa inilabas na ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), natukoy ang sentro ng pagyanig sa lalim na 556 kilometro at nasa 195 kilometro sa bayan ng Palimbang, Sultan Kudarat.  Samantala, naramdaman ang Intensity 3 sa bayan ng Malita, Davao Oriental habang Intensity 2 naman Davao City. Wala namang napaulat na casualties o nasirang ari-arian kasunod ng lindol.

Show comments