Kuya ginilitan ni bunso sa inuman

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines   - Dahil sa matin­ding pakikipagtalo sa inuman, napatay sa saksak at ginilitan ang 25-anyos na kuya ng kanyang bunsong kapatid sa liblib na kabundukan ng Barangay Margaay sa bayan ng Vintaer, Ilocos Norte kamakalawa.

Namatay habang ginagamot sa Gov. Roque Ablan Memorial Hospital ang biktimang si Herbert Sahagun habang nasakote naman ang suspek  na si Edmar Sahagun, 24, kapwa nakatira sa Barangay 56 Bacsil South sa Laoag City.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na nauwi sa matinding pagtatalo ang inuman ng mag-utol  sa bahay ni Elviro Colobong kung saan nagpang-abot ang da­lawa sa gitna ng tagayan ng alak.

Nabatid na sinaksak at ginilitan ng suspek ang kanyang kuya matapos mapikon sa tinuran nito kaugnay sa mamanahing lupain mula sa kanilang mga magulang.

 

Show comments