Mag-utol, nag-tie sa pagka-chairman

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines - – Hindi makapaniwala ang mga residente sa bayan ng Dupax Del Sur matapos makakuha ng parehong boto ang magkapatid na kapwa kumandidatong barangay chairman batay sa resulta ng pagbibilang ng boto noong Lunes.

Kapwa nakakuha ng 195 boto ang magkapatid na Se­verino Fontanilla at Isagani Fontanilla sa pagka-barangay chairman ng Barangay Gabut sa nasabing bayan.

Ayon sa mga residente, kapwa malakas ang hatak ng mag-utol na kandidato subalit hindi nila inaasahan na magkapareho ang magi­ging resulta ng botohan.

Dahil dito, sinabi naman kahapon ng Commission on Elections (Comelec) na reresolbahin ang hatol ng mga botante sa pamamagitan ng bunutan o draw lots.

Samantala, animo’y hindi nagkaroon ng  election sa Barangay Cabuluan, bayan ng Villaverde matapos muling manalo ang dating Barangay Chairman na si Johnny Tuguinay at pitong barangay kagawad na sina Joseph Tuguinay, Manny Pale, Pablo Dung-ao, Fedimar Buanan, Lito Addangna, Martin Puwoc at si Vilma Chigway.

Show comments