13 Vietnamese tiklo sa illegal fishing

MANILA, Philippines - Rehas na bakal ang binagsakan ng 13  mangingisdang Vietnamese makaraang makumpiskahan ng mga frozen sea turtle (pawikan) sa karagatan ng Balabac, Palawan kahapon ng umaga. Nabatid na illegal na pumasok sa teritoryo ng karagatan ng bansa ang mga Vietnamese na nanghuli ng mga pawikan umpisa pa noong Oktubre 18, base na rin sa report ng mga mangi­ngisdang Pinoy. Gayon pa man,  ang mga Vietnamese na hindi marunong magsalita ng English ay dinakma ng mga operatiba ng PNP-Maritime Group sa nasa­bing karagatan. Dito nadiskubre ng mga awtoridad ang mga patay na pawikan na nakalagay sa freezer mula sa bangkang pangisda.

Show comments