69-anyos biyuda pinabulagta

PANGASINAN, Philippines - Pinabulagta ang 69-anyos na biyuda matapos itong pagbabarilin  ng scooter-riding gunman sa harap ng grotto sa panulukan ng Roxas Street sa Barangay Zamora, bayan ng Mangatarem, Pangasinan noong Huwebes ng umaga.Tatlong bala ng cal. 45 pistol ang tumapos sa buhay ni Perla Sabares na naisugod pa sa Pangasinan Provincial Hospital sa San Carlos City subalit idineklarang patay. Sa police report, lumitaw na naglilinis sa harapan ng grotto ng Our Lady of Fatima ang biktima nang lapitan at ratratin ng gunman. Pinaniniwalaang land dispute ang isa sa motibo kaya pinatahimik ang biktima. The Phil. Star News Service

Show comments