Kandidato sa brgy. polls, dinedo

CAMP SIMEON OLA, Legazpi Citymm – Napaslang ang dating barangay chairman na sinasabing kakandidato sa barangay polls matapos itong pagbabarilin ng di-kilalang lalaki sa harapan ng kanyang pamilya kamakalawa ng gabi sa Barangay Sta. Rosa Del Norte, bayan ng Pasacao, Camarines Sur.  Sa ulat ng pulisya, lumilitaw na abala ang biktimang si Delfin Sadiosa sa paghahanda ng kanilang hapunan kasama ang anak at apo sa loob ng kanilang tahanan nang pasukin at ratratin. Nagpulasan naman ang pamilya ng biktima matapos umalingawngaw ang sunud-sunod na putok ng baril. Pinaniniwalaang may bahid-pulitika ang pamamaslang sa biktima dahil sa nalalapit na barangay elections sa Oktubre 28, 2013.

Show comments