Salesman, ex-manager itinumba

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Dalawang magkasunod na karahasan ang naganap sa magkahiwalay na lalawigan ng Masbate at Albay kung saan napatay ang 33-anyos na salesman at dating manager ng banko kamakalawa. Si Joel Basas, salesman ng Maxim Enterprises, ng Sitio Tabok, Barangay Banadero sa bayan ng Mobo ay pinagbabaril hanggang sa ma­patay ng riding-in-tandem gunmen sa Barangay Miaaga, bayan ng Uson, Masbate. Samantala, si Rogelio Naz, 62, retiradong manager ng bangko, ay niratrat naman habang naglalakad patungo sa kanilang bahay sa Molave Street, Legazpi City, Albay kamakalawa ng gabi. Ayon kay P/Supt. Robert Morico, hepe ng pulisya, iginarahe lamang ng biktima ang kanyang kotse sa compound ng kanyang utol at papauwi na nang lapitan at ratratin ng di-kilalang lalaki.

Show comments