2 rescuer lunod sa pagsagip

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines   - Dalawang rescuer ng City Disaster Risk Reduction Management Council (CRDRRMC) ang nalunod sa paghahanap sa nawawalang residente matapos tumaob ang kanilang rubberboat sa Chico River sa Sitio Bagumbayan, Tabuk City, Kalinga kamakalawa.
 Kinilala ni P/Senior Supt. John Colinio ang mga biktima na sina Arthur Tubban Dalsen Jr., 37; at Meynard Depdepen Barcellano, 26, kapwa nakatira sa Tabuk City.
 Nabatid na nagsasagawa ng search and retrieval operation ang grupo ng mga biktima sa pamumuno ni Engr. Freddie Adop para hanapin si Dandy Bernabe nang tumaob ang kanilang rubber boat.
 Tanging bangkay lamang ni Dalsen ang narekober ng mga kasamahan nito habang patuloy namang pinaghahanap ang mga bangkay nina Barcellano at Bernabe sa nasabing ilog.


 

Show comments