4 karnaper arestado

BULACAN , Philippines   - Apat na kalalakihan na sinasabing notoryus na karnaper ang naaresto ng pulisya sa inilatag na operasyon sa Barangay Lawa, Meycauayan City, Bulacan kahapon. Pormal na kinasuhan ng pulisya ang mga suspek na sina Rae Sta. Cruz, 33, ng Brgy. Lawa, Meycauayan City; Juner Canicosa, 35; Reymond San Diego, 27; at si Archievald Petipet, 28, pawang nakatira sa Brgy. Lingunan, Valenzuela City. Sa police report na nakarating kay P/Supt. Rafmil Corpuz, ang mga suspek na naaktuhang ibinebenta ang ninakaw na motorsiklo sa nasabing barangay kung saan nasamsam ang apat pang motorsiklo na sinikwat sa San Juan City at Manila noong Sept. 3, 2013.

 

Show comments