^

Probinsiya

Tsekwa natagpuang patay

Francis Elevado - Pilipino Star Ngayon

CAMARINES NORTE, Philippines     - Wala ng buhay ng matagpuan ng mga security guard sa loob ng staff house ng Investment Mineral Deve­lopment Corporation ang isang 32 anyos na Intsik sa Brgy. Larap, Jose Pa­nganiban, Camarines Norte kamakalawa ng umaga.

 Sa ulat ni P/Chief Insp. Juancho Ibis, kinilala ang biktima na si Alex Lai, 32-anyos may asawa at Assistant Operation Officer ng nasabing  mining firm at pansamantalang naninirahan sa nasabing lugar.

Nabatid na nadiskubre na lamang ang bangkay ng biktima sa kanyang tinutulugang kama dakong alas-10:30 ng umaga sa loob ng staff house matapos na gamitan ng duplicate key ng security in-charge na si Armando Talento makaraang hindi ito sumasagot sa tawag ng kanyang mga kasamahang security guard. Iniimbestigahan pa ang sanhi ng pagkamatay ng biktima.

ALEX LAI

ARMANDO TALENTO

ASSISTANT OPERATION OFFICER

BRGY

CAMARINES NORTE

CHIEF INSP

INIIMBESTIGAHAN

INVESTMENT MINERAL DEVE

JOSE PA

JUANCHO IBIS

  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with