4-anyos ni-rape, pinatay sa sakal ng adik

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines – Kalunus-lunos na kamatayan  ang sinapit ng 4-anyos na nene makaraang halayin ay pinatay pa sa sakal ng ‘di-kilalang lalaki na sinasabing lango sa bawal na droga sa bayan ng Ambaguio, Nueva Vizcaya noong Miyerkules ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Grace Calis, kinder at nakatira sa Barangay Dulli sa nabanggit na bayan.

Ayon sa ulat, huling nakitang buhay ang biktima noong Lunes ng umaga habang pauwi mula sa paaralan sa Sitio Hamhamaan sa nabanggit na barangay.

Natagpuan ang biktima ng kanyang ama sa madamong bahagi sa Sitio Langak sa nasabing barangay kung saan walang saplot sa pang-ibabang bahagi ng katawan.

Kinumpirma naman ng Ambaguio Municipal Health Office na positibong ginahasa ang bata bago ito pinatay sa sakal habang nagsasagawa na ng follow-up operation ang pulisya para madakip ang suspek.

 

Show comments