Encounter: Sundalo patay, 3 sugatan

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines– Bumulagta ang isang sundalo ng Phil. Army habang tatlo naman ang nasugatan matapos makasagupa ng mga rebeldeng New People’s Army ang tropa ng militar sa kabila ng masungit na panahon sa liblib na bahagi ng Barangay Balagan, bayan ng San Mariano, Isabela kamakalawa ng gabi. Kinilala ang napatay na si Pfc. Greisman Attali habang  sugatan naman sina Cpl.  Steve Bimmoy, Pfc. Roque Ganalon at si Pvt. Rafael Langa na naisugod sa AFP Medical Center.  Sa ulat ni Isabela PNP spokesman P/Supt. Narciso Paragas, nagsasagawa ng security patrol ang tropa ng 52th Division Reconnaissance Company ni 2Lt. Ranola ng makasagupa ang grupo ng Sangay ng Partido Platun ni Kumander Joey “Ka Jerome” Ramos na inireklamo ng mga residente ng pangongotong.

Show comments