^

Probinsiya

Kandidatong barangay chairman, itinumba

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN , Philippines   - Hindi pa nagsisimula ang campaign period ng SK at barangay election ay nagsimula na ring itinumba ang ilang kandidato makaraang isa na namang kandidato sa pagka-barangay chairman ang napaslang matapos pagbabarilin ng motorcycle-riding gunmen sa bahagi ng Barangay Sta. Rita Matanda, bayan ng San Miguel, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Pitong bala ng cal. 45 pistol ang tumapos sa buhay ni Ruel Viola, 35, construction foreman at nakatira sa Barangay Tibagan sa  nabanggit na bayan.

Nabatid na si Viola ay nagdeklara na kakandidato sa nalalapit na SK at barangay election sa Oktubre 2013.

Base sa police report, paauwi na ang biktimang nagmomotorsiklo nang buntutan at ratratin ng ridng-in-tandem  bandang alas- 9 ng gabi.

Naisugod pa sa San Miguel District Hospital subalit namatay din ang biktima habang patuloy naman ang pagsisiyasat.

BARANGAY STA

BARANGAY TIBAGAN

BULACAN

NABATID

NAISUGOD

OKTUBRE

RITA MATANDA

RUEL VIOLA

SAN MIGUEL

SAN MIGUEL DISTRICT HOSPITAL

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with