Purok chairman, itinumba

OLONGAPO CITY, Philippines - Itinumba ang 41-anyos na purok chairman ng Muslim community matapos barilin ng ‘di-kilalang lalaki sa Barangay Calapacuan, bayan ng Subic, Zambales kahapon ng madaling-araw. Kinilala ni P/ Senior Insp. Jelson Dayupay, hepe ng Subic PNP, ang biktima na si Faisal Talib ng Purok 6B, Barangay Calapacuan sa nabanggit na bayan. Base sa inisyal na pagsisiyasat, natutulog ang biktima sa bisinidad ng community plaza nang lapitan at barilin ng gunman. Pinaniniwalaang may kinalaman ang pamamaslang sa kampanya ng biktima laban sa droga  sa nabanggit na barangay.

 

Show comments