Sanggol itinapon sa creek

CAVITE, Philippines – Isa na namang sanggol na sinasabing pinabayaang mamatay ang itinapon sa creek kamakalawa ng hapon sa Barangay Zone 4, Dasmariñas City, Cavite. Nasa pagitan ng 7 hanggang 8-buwang gulang ang sanggol na babae, may inunan pa at nakalagay sa paperbag nang matagpuan ng ilang residente sa bahagi ng Barzaga Compound. Sa impormasyon nakalap ng pulisya, ilang residente ang nakakita sa isang lalaking naka-green t-shirt at maong pants ang bumaba ng kotseng orange at violet bago itinapon ang paperbag.  Sa pag-aakalang may mahalagang laman ang bag ay inusisa ng mga residente pero bumulaga sa kanila ang patay na sanggol.

Show comments