Lady prof. itinumba sa office

RIZAL, Philippines – Pinabulagta ang 48-anyos na lady professor makaraang pagbabarilin ng dalawang dating estudyante sa loob ng kanyang opisina sa bayan ng Rodriguez, Rizal kahapon ng umaga.

Limang bala ng baril ang tumama sa katawan at idi­neklarang patay sa Montalban Infirmary Hospital ang biktimang si Adorable Mas, may asawa, head guidance counselor ng Pamantasan ng Montalban at nakatira sa nabanggit na bayan.

Samantala, inilatag na ang malawakang dragnet operation ng pulisya sa pagtugis sa dalawang gunmen na ang isa ay sinasabing dating estud­yante sa nasabing kolehiyo.

Sa police report na nakarating kay P/Supt. Arthur Masungsong, hepe ng Rod­riguez PNP, naganap ang pamamaslang sa Guidance Counselor’s Office sa Pamantasan ng Montalban sa Kasiglahan Village, Barangay San Jose.

Sa salaysay ng security guard na si Antonio Ferno, dumating ang mga suspek sakay ng motorsiklo na pumasok sa school campus.

Gayon pa man, umali­ngawngaw ang sunud-sunod na putok ng baril na nagmula sa opisina ng biktima kung saan namataang nagmamadaling lumabas ang dalawang gunmen na may hawak na baril.

Hindi naman nakapalag ang guwardiya na nakaposte sa gate ng skul matapos itong tutukan ng baril habang patuloy naman ang imbestigasyon.

Show comments