Sayyaf tumba sa engkuwentro

MANILA, Philippines - Isa na namang bandidong Abu Sayyaf ang napatay makaraang makasagupa ang tropa ng militar sa liblib na bahagi ng Sitio Manican, Barangay Sapah Bulak sa bayan ng Sumisip, Basilan kamakalawa. Ayon kay Capt. Jefferson Somera, tagapagsalita ng 1st Infantry Division, nakilala ang napatay na Sayyaf na  si Omar Akbar Suwaire. Naganap ang sagupaan habang binabagtas ng delivery truck ng Tamahubong Agrarian Reform Beneficiaries Integrated Development Cooperative (TARBIDC) ang kahabaan ng kalsada kung saan convoy ang sasak­yan ng 64th infantry Battalion na pinamumunuan ni Lt. Col. Leonardo Dacumos kasama ang pangkat ng Special CAFGU Active Auxillaries. Narekober sa napatay na Abu Sayyaf  ang M-16 automatic rifle at M-203 grenade launcher.

Show comments