5 dakma sa drug bust

BULACAN, Philippines – Lima-katao ang dinakma ng mga ope­ratiba ng pulisya sa inilunsad na buy-bust operation sa magkahiwalay na barangay sa Meycauayan City at  bayan ng Sta. Maria, Bulacan kamaka­lawa ng gabi.

Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Ralph Alvin Quiroga, Jerbie Albesa, kapwa nakatira sa Brgy. Canumay, Valenzuela City; Aridel Del Rosario ng Brgy. Malhacan; Apple Ignacio ng Brgy. Bancal Extention, Meycauayan City; at si Rodel Cabuncal ng Brgy. Antipona sa bayan ng Bocaue.

Sa ulat ni P/Supt. Rafmil Corpuz, sina Quiroga at Albesa ay nasakote sa Brgy. Bangcal Extention habang sina Del Rosario at Ignacio naman ay naaresto sa Brgy. Calvario, Meycauayan City kung saan nasamsam ang 4-plastic sachet ng shabu.

Samantala, nadakma naman ng mga tauhan ni P/Supt. Lailene Amparo ang drug pusher na si Cabuncal sa Barangay Guyong sa bayan ng Sta. Maria kung saan nasamsam ang 8-plastic sachet ng shabu.

 

Show comments