Misis kakalas sa mister, inutas

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines   - Sa pangambang iiwanan siya, minabuti ng naninibughong 45-anyos na mister na patayin ang sari­ling misis kaysa mapunta sa ibang lalaki sa Barangay Magdalena, bayan ng Caba­tuan, Isabela kamakalawa.


Sa ulat ni P/Senior Insp. Fernando Narag, hepe ng Cabatuan PNP, dalawang patalim ang ginamit ng suspek na si Rodolfo Gonzales para paslangin ang kanyang misis na si Leticia Gonzales, 40.


Sa imbestigasyon ng pulisya, lubos na nanibugho ang suspek sa balak ng misis na sumama sa ibang lalaki sa kabila ng pagsusumamo nito at para na rin sa kapakanan ng kanilang dalawang anak.


Nagdilim ang paningin ng suspek kaya nagawang pagsasaksakin hangang sa mapatay ang kanyang misis na sinasabing may kalaguyo.

Naliligo na sa sariling dugo ang biktima nang datnan ng mga pulis sa kanilang bahay habang tulalang nagmumunimuni ang suspek na agad na dinakip.

Show comments