^

Babae pinatay, ka-live-in nag-suicide

Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - June 18, 2013 - 12:00am

MANILA, Philippines - Dahil sa pagtangging makipaghiwalay, binaril at napatay ng desperadong mister ang kanyang ka-live-in bago nag-suicide sa Sitio Canapnapan, Barangay Campo 8, Toledo City, Cebu kamakalawa.

Napuruhan  sa dibdib ang biktimang si Sheila Paraiso, 18, habang nagbaril naman sa sarili si Jesus Eredias, 32.

Sa ulat ni PO3 Alfredo Barquin na nakarating sa Camp Crame, binaril ng suspek ang biktima dahil gustong makipagkalas ng babae sa kanilang relasyon.

Ang dalawa ay nari­nig pa ng mga kapitbahay na nag-aaway sa loob ng kanilang bahay nang umalingawngaw ang malakas na putok ng baril bandang alas-9 ng umaga.

Nabatid na napundi na ang babae kay Eredias dahil sa sobrang seloso nito na palaging humahantong sa madalas na pag-aaway.

Ayon pa sa pagsisiyasat, nag-alsa balutan si Paraiso at akmang lalabas na ng pintuan nang barilin ni Eredias nang tumanggi ang ginang na paawat sa pag-alis.

Matapos na barilin ang babae ay nagbaril din sa sarili si Eredias.

Narekober sa crime scene ang suicide note ni Eredias at ang improvised shotgun.

 

ALFREDO BARQUIN AYON BARANGAY CAMPO CAMP CRAME EREDIAS JESUS EREDIAS SHEILA PARAISO SITIO CANAPNAPAN TOLEDO CITY
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with