Kelot inutas sa pananaksak

CAVITE , Philippines   â€“ Pinaniniwalaang paghihiganti ang isa sa motibo kaya pinagbabaril hanggang sa mapatay ang 27-anyos na lalaki ng traysikel driver kamakalawa ng gabi sa Barangay Hugo Perez, Trece Martirez City, Cavite. Napuruhan sa dibdib ang biktimang si John Francis Abuyo habang tugis naman ng pulisya ang suspek na si Alfredo “Butsoy” Pega, 31, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay. Ayon kay PO2 Alvin Marquez, nakaaway at nasaksak ng biktima ang pinsan ng suspek kaya pinaghigantihan ng kalaban. Samantala, ginagamot naman sa Santiago Medical Center ang nasaksak ng biktima.

Show comments