3 Acetylene Gang dakma

BULACAN, Philippines - Tatlong miyembro ng Acetylene Gang na responsable sa serye ng nakawan ang naaresto makaraang pagnakawan ang bahay-sanglaan sa Barangay Poblacion, bayan ng San Ildeponso, Bulacan kahapon ng madaling-araw. Sumasailalim sa tactical interrogation ang mga suspek na sina Rudy Tedkawen ng Brgy. Leg-Leg, Quirino, Ilocos Norte; Salvador Dageng ng Baler, Aurora, Quezon; at si Salvador Ticgongan ng Brgy. M.H. Del Pilar, Alicia,I sabela. Sa ulat ni P/Supt. Julius Cesar Domingo, ang mga suspek ay naaktuhang nilooban ang Rolivan Pawnshop sa nabanggit na barangay.Narekober sa mga suspek ang P150,000 halaga ng ari-arian, ilang gramo ng marijuana, dalawang cal.38 revolver, mga hydrolic jacks, bareta de cabra, hand drill at ang Isuzu Trooper (CSZ-136) na ginamit sa pagnanakaw.

Show comments