2 Cafgu pinalaya ng NPA

MANILA, Philippines - Nagwakas ang mahigit isang buwang pagkakabihag sa dalawang sundalo ng Civilian Armed Forces Geographical Unit (Cafgu) matapos palayain ng mga rebeldeng New People’s Army sa bahagi ng Barangay San Roque, Bislig City, Surigao del Sur kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Army’s 4th Infantry Division Spokesman Major Leo Bongosia ang mga pinakawalang Prisoners of War na sina Cafgu’s Ronaldo Isaga at Noel Martinez.

Bandang alas-12 ng tanghali nang palayain ng mga rebelde ang dalawa sa Sitio Mantuyom, Barangay San Roque.

Nabatid na ang paglaya ng mga bihag ay kasunod naman ng ipinalabas na kautusan ng National De­mocratic Front (NDF) Mindanao sa custodial force ng NPA na pakawalan na ang dalawa.

Ang pagpapalaya ay matapos namang lumitaw sa imbestigasyon ng kangaroo court ng NPA na walang utang na dugo sa bayan ang dalawa.

Ang dalawa ay binihag noong Abril 14 sa bayan ng Tagbina, Surigao del Sur matapos ang serye ng pang­haharass ng komunistang grupo sa Caraga Region.

 

Show comments