Karambola: Misis utas, 20 sugatan

CAVITE, Philippines – Kamatayan ang sinapit ng 50-anyos na misis habang aabot naman sa 20-katao ang iniulat na nasu­gatan makaraang magkarambola ang tatlong sasakyan sa kahabaan ng highway sa Barangay Poblacion 1, bayan ng Indang Cavite kamakalawa ng hapon. Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Gloria Mecua ng Barangay 5 sa bayan ng Amadeo, Cavite. Naisugod naman sa iba’t ibang ospital ang mga sugatang na karamihan ay pasahero ng bus. Nabatid na nawalan ng preno ang Ferdinand Bus Liner pagsapit sa nabanggit na barangay kung saan sinalpok ang kotse ni Michael Ryan Eyaya at pick-up ni Catherine Gonzales ng Dasmariñas City, Cavtie.

 

Show comments