Bangkay na natabunan ng basura, narekober

RIZAL, Philippines - Halos isang linggo matapos na gumuho ang landfill sa lalawigan ng Rizal, narekober na rin kahapon ng rescue and search team ang bangkay ng isa sa apat na lalaking pinaniniwalaang nali­bing nang buhay sa ilalim ng mga basura.

Ang bangkay ng lalaki ay natagpuan sa loob ng  backhoe na nakabaon sa tone-toneladang basura na gumuho.

Pansamantalang hindi muna tinukoy ang pagkakakilanlan ng biktima hanggang hindi pa naipapabatid sa kanyang pamilya. Nabatid na ang backhoe ay natagpuan ng search and retrieval team noong Miyerkules ng hapon, limang araw matapos ang trash slide. Kumpiyansa naman ang mga awtoridad na matatagpuan na rin ang tatlo pang biktima

Kabilang sa mga pinaniniwalaang na­tabunan ng basura ay sina Gary Balahibo, Pablito Esto, Eddie Malano, at si Rovidico Olod.

Show comments