Lasalista dinedo sa dorm

CAVITE, Philippines – Napaslang ang 4th year college student ng De la Salle University matapos barilin ng di-kilalang lalaki sa loob ng dormitory sa Casa Isabel Villa Nicasia,  Barangay Burol, Dasmariñas City, Cavite kahapon ng madaling-araw. Kinilala ni P/Supt. Joseph Penaflor ang biktima na si Mark Joseph Oliveros, 4th year student sa kursong Med tech sa De La Salle University Health Science Institute Dasmarinas City. Sa pahayag ng ilang estudyante, nakarinig sila ng malakas na kalabog at pagtatalo sa loob ng dorm #14 ng biktima kung saan sunud-sunod na putok ng baril ang umalingawngaw. Dito na humingi ng tulong ang estudyante sa mga kinauukulan kung saan dinala sa ospital subalit hindi na umabot ng buhay ang biktima.

Show comments