Notoryus drug pusher, dakma

CAVITE, Philippines – Rehas na bakal ang binagsakan ng 32-anyos na traysikel driver na sinasabing notoryus drug pusher matapos arestuhin ng pulisya sa inilatag na buy-bust operation kamakalawa ng gabi sa Barangay San Miguel 1, bayan ng Silang, Cavite. Sa ulat na nakarating kay P/Insp Valero Bueno, isinagawa ang buy-bust operation laban sa suspek na si Noel Manzanilla matapos makatanggap ng impormasyon mula sa pamunuan ng regional office ng Phil. Drug Enforcement Agency. Nasamsam sa suspek ang ilang gramo ng shabu at mark money na ginamit sa buy-bust.

Show comments