Kuya tinodas ni bunso

TUGUEGARAO CITY, Philippines - Pinaniniwalaang kahirapan sa pagsasaka kaya nagawang pagtatagain hanggang sa mapatay ang makatatandang utol ng kanyang nakababatang kapatid na  lalaki  sa liblib na bahagi ng Barangay Salinsingan, bayan ng Ambaguio, Nueva Vizcaya kamakalawa. Kinilala ni Nueva Vizcaya PNP director P/Senor Supt. Valfrie Tabian ang biktima na si Benny Bugtong, 29, habang naaresto naman ang suspek na si Cumilis Tabian, 26. Nabatid na hindi na nakayanan ng suspek ang panlalait ng nakatatandang utol sa nararanasang kahirapan sa bukid kaya nagdilim ang paningin nito at pinagtataga ang leeg at ulo. Halos humiwalay ang ulo sa katawan ng biktima sa paulit-ulit na pananaga ng suspek kung saan natigil lamang matapos rumesponde ang pulisya.

Show comments