4 NPA bulagta sa encounter

TUGUEGARAO CITY , Philippines  - Apat na rebedeng New People’s Army ang iniulat na napaslang makaraang makasagupa ang tropa ng militar enkuwentro sa liblib na bahagi ng Barangay Gangalan, bayan ng San Mariano, Isabela kamakalawa. Ayon kay Col. Loreto Magundayao, lumilitaw na abala ang mga rebelde sa pangongolekta ng safe conduct pass sa mga kandidato sa darating na halalan upang makapag kampanya sa mga rebel infested areas nang makasagupa ang mga sundalo. Batay sa ulat ng 5th Army Division sa Camp Upu, Gamu, ang sagupaan ay nagsimula pa noong nakalipas na linggo sa Barangay Ibujan kung saan nasugatan ang kumander ng NPA na si Ka Jerome subalit nakatakas din.

Show comments