Jail officer nagpakamatay

MANILA, Philippines - Winasakan ng 33-anyos na jail officer ng Albay District Jail ang kaniyang buhay matapos na magbaril sa dibdib sa kanilang tahanan sa Lakandula Drive, Barangay Gogon sa Legazpi City, Albay kamakalawa. Bandang alas-11 ng umaga nang madiskubre ng nakababatang kapatid ang duguang katawan ng kaniyang ate na si JO1 Loutchie Corral sa loob ng silid nito. Lumilitaw na bago naganap ang insidente ay nag-file ng bakasyon si Corral dahil may aasikasuhin umanong importante. Narekober sa crime scene ang cal. 9mm pistol, cartridge ng nasabing armas at nadepormang bala.

Show comments