_ngayon
^

Probinsiya

Vice mayoral bet itinumba sa sabungan

Ed Casulla - Pilipino Star Ngayon

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City , Philippines  â€“ Isa na namang kandidato sa pagka-vice mayor ang pinagbabaril at napatay ng di-kilalang lalaki sa cockpit arena sa Barangay Tugbo, bayan ng Mobo, Masbate noong Sabado ng hapon.

Naisugod pa sa Masbate Doctors Hospital subalit idineklarang patay ang biktimang si Barangay Chairman Isagani Lupangco, 41, ABC president at nakatira sa nabanggit na barangay.

Sa police report na nakarating kay P/Senior Supt. Heriberto Olitoguit, papalabas na sa Mobo Sports  Complex ang biktima nang lapitan at pagbabarilin ng di-kilalang lalaki.

Pinaniniwalaang may kaugnayan sa politika ang naganap na pamamaslang habang patuloy naman ang imbestigasyon.

BARANGAY CHAIRMAN ISAGANI LUPANGCO BARANGAY TUGBO HERIBERTO OLITOGUIT ISA LEGAZPI CITY MASBATE MASBATE DOCTORS HOSPITAL MOBO MOBO SPORTS NAISUGOD SENIOR SUPT
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with