_ngayon
^

5 minerong nawawala natunton na

Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - February 16, 2013 - 12:00am

MANILA, Philippines - Natukoy na ng rescue and retrieval team ang kinaroroonan ng lima pang minerong nawawala sa gumuhong coal mine sa Semirara Island, Caluya, Antique, ayon sa opisyal kahapon.

Sa phone interview, sinabi ni P/Senior Inspector Rico Andaza, hepe ng Caluya PNP, natukoy ang mga na-trap na minero ng Semirara Mining Corporation matapos umalingasaw ang masangsang na amoy.

Kabilang sa mga mi­nerong nawawala na natunton ay sina George Bragat, Jan Riel Pianca, Randy Tamparong, Ri­chard Pa­dernilla  at si Junjie Gomez na nalibing sa may 30-metrong lalim ng putik mula sa gumuhong minahan.

Pansamantala namang inihinto ang rescue and retrieval operation dahil hinihintay pa nila ang pagdating ng mga doktor.

Nilagyan nang disinfectants para mawala ang masangsang na amoy sa kinaroroonan ng mga biktima.

Magugunita na noong Miyerkules ng gabi ay gumuho ang bahagi ng minahan kung saan lima-katao ang kumpirmang nasawi sa trahedya.

 

CALUYA GEORGE BRAGAT JAN RIEL PIANCA JUNJIE GOMEZ KABILANG RANDY TAMPARONG SEMIRARA ISLAND SEMIRARA MINING CORPORATION SENIOR INSPECTOR RICO ANDAZA
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with