CAVITE, Philippines – Nasawi noon din ang isang 14 anyos na batang lalaki, matapos itong aksidenteng sumabit , makaladkad at magulungan ng isang truck sa kanto ng Brgy. Paliparan 1, Governors Drive, Dasmariñas City, Cavite kamakalawa. Kinilala ni Supt Ulysses Cruz,
hepe ng Dasmariñas City Police ang biktima na si Mark John Operiano, 14-anyos residente ng Tierra Alta Homes, Sitio Niogan, Brgy. Paliparan 1 ng naturang lungsod. Arestado naman si Allan Cerna, 47, driver ng Hyundai Bulk Carrier truck (PQS 743) na nakasagasa sa
binatilyo. Sa imbestigasyon ni PO3 Nicolas Rocero, dakong alas-7:30 ng gabi habang papaliko na sa intersection ang truck ng aksidenteng sumabit dito ang biktima na kabababa lamang at nagbabayad ng pamasahe sa driver ng sinasakyan nitong tricycle ng araruhin ng truck
na naging mitsa ng kaniyang maagang kamatayan.