Konsehal ng barangay itinumba

MANILA, Philippines - Isa na namang konsehal ng barangay ang napatay makaraang patraydor na ratratin  habang nakatalikod ng hindi pa kilalang lalaki na lulan ng motorsiklo sa kahabaan ng JP Rizal, Barangay Tagapo sa Santa Rosa City, Laguna noong Huwebes ng gabi.

Idineklarang patay sa Marian Hospital ang biktimang si Augusto Espeleta, 42, ng Barangay Malaban sa Biñan City, Laguna. Ayon sa imbestigasyon, lulan ng motorsiklo ang biktima na patungo sa direksyon ng Barangay Balibago nang pagbabarilin ang armadong lalaki na lulan

din ng motorsiklo. Pinaniniwalaang may kinalaman sa pulitika ang krimen dahil sa nalalapit na mid term elections sa Mayo 2013.

Show comments