Bike sumemplang, stude dedo

TUGUEGARAO CITY, Philippines – Kamatayan ang sumalubong sa 20-anyos na criminology student na sinasabing nagdaos ng kanyang kaarawan makaraang sumemplang ang motorsiklo sa kahabaan ng highway sa Barangay Cabaroan, Bantay, Ilocos Sur kahapon ng madaling-araw. Kinilala ng pulisya ang namatay na si June Ariel Publico samantalang ang driver ng motorsiklo na si SPO1 Elmirante Tudlong ay malubhang nasugatan. Sinasabing galing sa inuman ang dalawa sa pagdaraos ng kaarawan ng biktima kung saan idinaos din ni SPO1 Tudlong ang kanyang birthday kahapon.

Show comments