Mayor sugatan sa ambush

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines – Nakailag kay kamatayan ang kasalukuyang alkalde sa bayan ng Marcos, Ilocos Norte matapos ratratin ng riding-in-tandem assassins sa bahagi ng Barangay Lidia sa nabanggit na bayan noong Lunes ng hapon.

Ayon kay P/Supt. Jeffrey Gorospe, sugatang naisugod sa Don Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center si Mayor Salvador Pillos na nagtamo ng tama ng bala sa kaliwang balikat at kanang binti

Sa inisyal na imbestigas­yon ng pulisya, pasado alas-4 ng hapon nang pagbabarilin ang biktima habang nakatayo sa harapan ng kanyang sasakyan na nakaparada sa harapan ng Marcos National High School.

Narekober naman ng pulisya ang motorsiklong gamit sa pananambang matapos abandonahin ng gunmen.

Lumilitaw na politika ang isa sa motibo ng bigong pagpatay kay Pillos dahil kandidato itong muli sa ikatlong termino sa mayoralty race sa nalalapit na eleksyon sa Mayo 2013.

Show comments